Venus Thane's Pov "Mama, ako na po!" Prisinta ni Luna nang tumunog ang door bell. It's just 3 in the afternoon and I am confident that whoever it is behind the front door is not him. Kung hindi ako nagkakamali ay 19 hours pa bago makalapag sa paliparan ang eroplanong sinasakyan nito. Malamang ay bukas pa ang dating n'ya. I took my eyes off my laptap wehere I am re-doing my thesis just so I could look at her. Dali-dali nitong binitawan ang kaniyang ipod at iniwan na lamang 'yon sa ibabaw ng couch bago sila tumakbo ni Daedalus para tingnan kung sino ba ang tao sa labas. "Luna, who is it?" Sigaw ko mula sa may sala nang marinig ko ang pagbukas nito ng pinto. Hindi ito sumagot sa 'kin kung kaya't unti-unti na 'kong nabahala. I put my laptap on the coffee table and

