Icarus Theodore's Pov "Kumusta na ang thesis?" Salubong na tanong sa 'kin ni Celine nang marating ko na ang karinderya na may kalayuan sa St. Lukes kung saan naka-confine si Venus at wala pa ring malay. Ibinaba ko ang aking bag na may lamang iilang piraso ng damit ko at gamit para sa eskwela. Kinuha ko ang panyo mula sa bulsa nang suot kong slacks at ipinahid 'yon sa 'king pawis. "Ayos naman na. Defense na lang ang kulang," sabi ko. Marahang itinulak ni Celine papunta sa direksyon ko ang isang baso ng malamig na tubig. Napatingin na lamang ako sa kaniya at pagod na napangiti bago ko 'yon kinuha at ininom. Dalawang buwan na simula nang maaksidente sina Venus at Doñya Olivia sa Santiago, dalawang buwan na rin siyang walang malay at hindi ko na alam kung ano pa bang da

