Venus Thane's Pov "We're here," sambit ni Ariz nang tumigil kami sa tapat ng isang malaking at may contemporary na disenyo ng bahay. Ilang metro ang layo nito mula sa dalampasigan at sigurado akong napaka-gandang pagmasdan nang paglubog ng araw mula sa balkonahe ng kaniyang bahay. Hindi katulad ng gate at bakod ng aming bahay, ang kay Ariz ay mababa lamang at kulay puti. Mula sa labas ay nagsusumigaw ang panlalaking disenyo ng bahay at kapansin-pansin na neutral color lamang ang kabuang pinturang ginamit sa bahay, tanging puti, beige at brown lamang. Maging ang playhouse, slide at seesaw na nakalagay sa harapang parte ng bakuran niya ay kapareho lang din ng kulay katulad sa kaniyang bahay. If I'll base on his house, this car and those that I have seen properly parked at

