CHAPTER SIXTY EIGHT Labis na pangungulit na ang ginawa ni Enang sa kanyang ina. “Hindi niyo pa ba talaga kilala Nay si Lauren Dale Layon?,” Hindi na alam ng kanyang ina kung sasabihin na ba nito ang totoo sa kanyang anak o ipagpapatuloy pa rin ang nasimulang kasinungalingan. Umiling lamang ito sa tanong ng anak. “Pero Nay bakit ganon? May koneksyon ang pangalan ng mga alaga namin, siya ang may-ari ng paborito kong zoo tapos pareho pa aking may amnesia. Magkaiba lang ang petsa ng aksidente namin pero sa tingin ko talaga kilala namin ang isa’t-isa Nay. Magaan kaagad ang loob ko sa kanya. Panatag ako kaagad habang kasama siya.” Hindi ito makatingin ng diretso sa anak. Muli ay pipiliin nitong magsinungaling sa kanya. “Ano naman ngayon kung may mga bagay na nagdugtong sa inyo? Hindi ba pw

