Chapter Sixty “Ma, tara na! Kailangan nating makita si Karen at JC. Kailangan niyang malaman ang totoo.” Hinigit ni Mikee ang ina. “Pero anak…” nakita niyang ang biglang paglamlam ng mga mata ng ina. Lumapit siya upang hawakan ang pisngi nito at punasan ang luha. “Ma, naunang ipahiram sa atin ng Diyos si JC para ayusin tayo at tulungan tayo. Ngayon ma, higit sa lahat ay panahon na upang ang tunay naman niyang ina ang bigyan nya ng liwanag. Hindi natin yun dapat ipagdamot sa kanila. Ikaw na po ang nagsabi na kailangan ni Karen ng tulong.” Mahinahong sambit nya rito. “Oo anak. Oo.” Bigla nalang tumunog ang kanyang telepono. “Sandali lang ma. Si Lawrence tumatawag. Humingi tayo ng tulong sa kanya.” Saka niya iyon sinagot. “Kanina pa kita hinihintay! Alam mo bang may problema kami ngayon

