Chapter Thirty Five Six years old palang ako non. Ngayon ko nalang din nalaman sa muli nating pagkikita na magkasing-edad lang pala tayo. Maghihiwalay na talaga sila nanay at tatay noon. Drug addict ang tatay. Lagi niyang binubugbog ang nanay. Kahit kami ni Kuya Brian ay nakatikim din ng p*******t ni tatay. Pero kapag natatakot na kami ay niyayakap lang kami ni nanay. Nawawala na yung takot. Para makatakas kay tatay ay nangupahan kami nila nanay. Pero isang araw ay nahanap kami ni tatay. May dala siyang itak. Handa niyang patayin si nanay makuha lang kami. Tumakbo kami ni kuya at nagkahiwalay. Takot na takot ako. Kailangan ko ng tulong. Gusto kong may yumakap sa akin. Gusto kong may dumating na anghel para iligtas ako. Hanggang sa nadapa ako. Laking pasalamat ko dahil may

