CHAPTER NINETY SIX Tulad ng inaasahan maliban sa pagkain na nakahain sa romantic table arrangement ay pati ang walang katapusang pagtititigan ay pagsasaluhan nila Bel at Elan. Pansin na pansin iyon ni Bel. “Hindi ka ba nagsasawang titigan ako. Sayang yung pagkain oh. Mas marami ka pang naititig sa akin kaysa sa nakain mo. Kung pagkain lang ako malamang ako yung ubos na kanina pa.” sarkastikong pahayag ni Bel bago isubo ang pagkaing nakatuhog sa tinidor. Umiling lang si Elan habang nagpapa-cute na naka-pout. Napangiti si Bel sa reaksyon nito. “Wala ka pa ring pinagbago. Playful ka pa rin.” Puna niya. “Mmmm… Pikon pa rin ako. Mahal pa rin kita.” Dugtong nito. “Matapang ka pa rin.” Pagpapatuloy naman niya. “Basta alam kong tama ipaglalaban ko. Ipagpapatuloy ko Bel.” Naging seryoso ang

