Miss Cupid’s Match Season 3: Hunter's Status: M. U. Chapter 26: Prologue Ten years ago... Anim na taong gulang pa lamang si Viola. Nakatira sila malapit sa squatters area sa may North Ave. sa Quezon City. Nagpapagawa na sila ng bahay sa bagong d-in-evelop na barangay sa Mindanao Ave. sa parehong syudad. Masyado kasing magulo sa kasalukuyang tinutuluyan nila. "Yung babaeng bagong nangungupahan kina Aling Tere sinugod ng asawa! Kukuhanin yata nung lalaki ang anak nila dun sa babae! Tumakas yung mga bata! May dalang bolo yung lalaki! Magtago kayo! Baka kayo ang mataga!" Sigaw ni Aling Caring, isa sa mga tsismosa sa lugar. Si Aling Tere ay may-ari ng isang malaking tenement sa lugar na pinapaupahan nito. Dahil kung sinu-sino at iba-ibang uri ng tao ang nakatira kaya naman mada

