Chapter Forty Two “OMG… As in…” “Oh your golly.” Si Princess na mismo ang nagdugtong sa paboritong linya ng kaibigang si Elens. Huminto na rin ang sasakyan sa subdivision sa tapat ng bahay nito. Ginabi na sila. “Baba na.” utos na nya rito. “Wait lang Cess. Wala namang metro tong kotse mo di ba? Extend lang ako ah. Hindi ako maka-get over eh.” pinapaypayan nito ang sarili gamit ang dalawang kamay. “Hindi ito taxi para magka-metro pero hindi rin ito computer shop para mag-extend ka. Totoo ang sinabi ko sayo. Naging kami ni Jaco way back college days.” Napalingon siya sa labas. Napangiti. “That was the happiest days of my life.” Ngunit mabilis na nawala ang ngiting iyon. “Pero yun din ang pinakamalungkot.” “Na-ka-ka-lo-ka!” halatang hindi maka-move on si Elens. Binalik nya tuloy ang ate

