CHAPTER SIXTY FOUR Kinakabahan man ay pumunta pa rin si Enang sa zoo. This is a very special night and they’re about to make it even more special. Isang linggo siyang nanabik sa nobyong si Dong. Inisip nalang niya ang mga bagay na maaaring surpresa sa kanya nito. Pilit niyang iwinaksi sa isipan ang hindi magandang kutob. “Bumaba ka na,” utos ni Maloy. “Hindi mo ba ako sasamahan sa loob?,” tanong niya. “Ginawa mo na nga akong driver gusto mo naman maging escort mo pa ako papasok. Kaya mo na yan. Mahigpit na ipinagbilin ni Papa Dong na kayo lang dapat dalawa ang nasa loob syempre together with the animals. Hindi matutupad ang pinag-uutos ni Tita sa akin na video-han kayo dahil bawal.” “Ganun ba? Kinakabahan ako eh.” Pagtatapat niya. “Natural lang yan! Lumabas ka na at harapin ang iyon

