CHAPTER SIXTY SIX “She needs to wake up,” sambit ni Dong habang nakasilip lang sa glass window ng kwarto ni Maloy sa ospital. Walang kaanak na nakabantay ngayon kay Maloy kaya naman hindi sila hinayaang makapasok ng nars. “Yeah, she needs to wake up but for now we need to go. We are wasting our time here. Let’s go back when she’s awake.” Pang-eengganyo ni Cristy sa kanya. Huwag na sana siyang magising. Iyan ang totoong kahilingan nito. “Babalik tayo rito ah. Kailangan kong malaman ang nangyari sa buhay ko sa nakalipas na isang taon at mahigit. Kailangan kong itanong sa kanya kung bakit ko siya hinahabol noon sa gabi ng aksidente.” Sabi ng binata. “I told you there was no significant event for the last one year of your life. Isang taon kang nanabik sa akin. Isa pa baka may ginawang masa

