Lisa POV Wala akong maalapuhap na mga salita sa mga sinabi niya sa akin. Maging ako hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. Sa mga pinagtapat niya sa akin. Prank lang ba ang lahat nang ito? Siguro? Madalas naman siya ganoon, lalo na kung kasama niya ang mga kaibigan niya. Biruan dito. Biruan doon. Madalas may asaran at gantilan. Isa rin iyon sa ikinasasakit ng ulo ni Manang D'yosa sa probinsya namin dahil ang gugulo nila. Para silang mga bata, na nasa katawan ng mga matatandang gaya nila. Napapailing na lang si Manang sa kanilang mga kalokohan dahil maging ito– minsan na nilang na prank. Na muntikan na nitong ika-highblood. Naka-tikim na rin ako noon. Naalala ko pa kung paano ako mangiyak-ngiyak sa harapan ni Manang nang magsumbong ako sa kanya. "Manang," tawang ko sa kanya sa pagitan

