Lisa POV Mabigat ang dibdib kong umakyat sa kwartong inuukupahan ko pag-alis na pag-alis ng bisita namin. Hindi ko na hinintay pang mapansin ako nila Mommy paakyat dito. Mabilis akong naglakad patungong hagdan para mapag-isa. Mula kaninang nagtatalo sila sa labas, ‘di ko na sila muli pang sinulyapan kahit noong paalis ito. Itinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa mga gwardiya naming nagpupustahan sa isang larong pang-ibang bansa. Nagde-debate sila kung sino ang mas magaling sa kanya-kanya nilang player. Hindi inalintana ang dalawang nagpapalitan ng mga salitang— nakakasakit sa akin. Humugot ako nang malalim pa sa malalim na hininga. Inalis ang bagay na humihigpit sa puso ko. Tumatatak sa isip ko ang mga sinabi ni Sabby. Hindi ko naman maalis iyon sa kanya. May parte naman na totoo at

