Chapter 12 ALISHA Nang bumukas ang elevator sa 35th floor ay nagsimula akong humakbang para lumabas. "Siya 'yong anak ng may-ari ng kumpanya na ito diba?" "Anak? Hindi noh?! Ampon lang 'yan." Kumibot ang labi ko pero hinayaan ko na lamang ang dalawang babae na nilampasan ko. As I've said, sanay naman ako na tawagin nila akong ampon. Walang kaso sa akin 'yon kasi totoo naman talaga. "Ang swerte niya 'noh? Daig niya pa nanalo sa lotto." "Oo nga... tapos maganda pa siya." "Nah, mas maganda parin si Miss Celestina kaysa sa kanya." "Hoy! Gagi, itikom mo yan na bibig mo baka marinig ka ni Miss Theresa." Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko pero... who's Celestina? "Ay sorry... Pero mas swerte parin ako kasi nakita ko si Vinn." Narinig kong tumili ang babae kaya naman Hindi p

