BAGO umalis patungo sa trabaho si Ethan ay nagising na si Liby. Panandalian pa munang nilaro ng binata ang pamangkin bago sila hinalikan ni Liby at nagpaalam. Mag-a-alas-onse na ng umaga at kasalukuyan siyang naghahanda ng pananghalian na tocino at itlog nang nang mag-ring ang telepono niya. Walang iba kundi si Damian. Awtomatiko niyang naipikit ang mga mata niya at saka siya napapalatak. Nalimutan nga pala niyang linawin kay Ethan ang tungkol sa paalam niya antis pa na may date silang magkakaibigan sa bisperas ng pasko dahil nga birthday ni Damian. Ah, basta. Nagpaalam na siya kay Ethan at napayagan na rin naman siya nito. Puwede naman itong pumunta sa Christmas Party ng kumpanya nito kahit wala siya, eh. Nakausap na rin naman niya si Manang Melda para may mag-alaga kay Liby. “Ateng!

