HABANG nasa hapag-kainan ay hindi maiwasan ni Riya na labis na pamulahanan ng mukha lalo at katabi niya si Ethan na kalmadao lang at para bang walang ginawang kabalastugan kanina. Bigla tuloy siyang nagduda sa sarili niya. Guni-guni lang ba ang nakita niya kanina at siya lang talaga ang may malisya o sadyang p*****t lang si Ethan at sanay na sanay sa ganoong gawain sa harap ng ibang babae? Napukaw lang ang paglalayag ng isip niya nang tumikhim si Ethan sabay siko sa braso niya. “My mom's asking you,” bulong nito nang balingan niya. Ora-orada naman siyang tumingin kay Mrs. Vera na may pag-aalalang nakatitig sa kaniya habang nasa ere ang siguro'y balak nitong isubo pa na pagkain. “Are you all right, hija?” Bakas ang concern sa tinig nito. “Ah, o-okay lang ho ako. May iniisip lang ho a

