HUMUGOT nang malalim na hininga si Ethan matapos sulyapan sa rear-view mirror si Riya. Mula pa kaninang bumalik siya sa silid ni Liby pagkatapos niyang maligo at magbihis ng panlakad ay napansin na niyang sumagot-dili ang dalaga at halatang mailap sa kaniya. “Is there any problem, Riya?” tanong niya rito matapos itong sulyapan muli bago niya ibinalik ang atensyon sa kalsada. “H-Ho?” Tila nagulat pa ito sa tanong niya bago ito nag-alis ng bikig sa lalamunan. “W-Wala naman ho, Sir Ethan,” matipid na tugon nito. Sa muling pagsilip niya rito ay nahuli niyang nakakunot ang noo nitong nakatingin sa repleksyon niya sa salamin at dagling umiwas nang makasalubong ang tingin niya. “You’re sure?” nagdududa niyang tanong dito. Ngumiti ito at saka siya tiningnan sa rear-view mirror. “Oho, sir,”

