CHAPTER 8

1602 Words
Third Person's POV Ginigol ng mag-ina ang buong umaga sa pagtatanong-tanong ng ilang mga tindahan sa palengke, kung mayroon bang naghahanap doon ng taga-bantay. Sa kasamaang palad ay wala silang mahanap dahil matumal din ang benta doon ay hindi kumukuha ang mga may-ari ng mga taga-benta sa kani-kanilang pwesto. Nasa buwan na rin kasi ngayon kung saan kokonti na ang bumibiling tao dahil wala pang anihan at tanging mga nangongopisan lamang nag sumasaglit dito upang bumuli ng mga gulay at ilang sangkap na gamit sa kusina. Sa isip-isip naman ni Aling Milda ay kung nagtatrabaho lamang din siya sa opisina ay sana isa din siya sa mga mamimili ngayon at hindi kailangan pang magbakasali ng hanapbuhay dito. Ngunit isa lamang iyong paglalaro ng sarili dahil mahirap lamang sila at hindi nakapag-aral kung kaya't naparito siya ngayon. Dahil tanghali na rin ay napilitan na lamang silang ng kaniyang anak na lumabas doon at alam niyang pagod na rin ito sa kakalakad. Hahanap na lamang sila ng mahanging pwesto upang doon ang baon nilang tinapay na sobra pa nila kagabi at kanina. Malibis din naman nilang nakahanap at doon ay pinagsaluhan nilang ang dalawang pirasong ensaymada. Mabuti na lamang din at nakapagbaon sila ng tubig dahil matamis ito para sa kaniya, pero nakikita niyang enjoy na enjoy naman ang kaniyang anak sa pagnguya nito. 'Ang mga bata nga naman ay mahilig sa mga pagkaing kay tatamis to talaga,' aniya sa kaniyang isipan at hinaplos ang ulo ng anak na sarap na sarap sa pagkain. Napangiti na lamang siya habang pinagmamasdan ito. 'Nawa'y hindi ka matulad sa akin, anak. Kaya gagawin ko ang lahat upang maabot .o ang mga pangarap mo at uumpisahan natin iyan sa iyong pag-aaral,' dagdag pa niya saka hinagkan ang bunbunan ng kaniyang prinsesa. Hindi nagtagal ay natapos rin sila at ipinagpatuloy ang pagbabakasakaling makahanap nang mas maayos na trabaho upang mabago kahit papaano ang kaniya kabuhayan. Doon ay sinunod nilang pinasok ang isang fastfood chain kahit na nararamdaman na ni Aling Milda na hindi siya makukuga doon, pero sa isip niya ay wala namang masama kung susubukan. Kaya ngayon ay pumasok sila doon at dumiretso sa counter. Matapos ang ilang sandali ay lumabas silang malungkot at bigo dahil nagkaroon ng problema. Maayos siyang tinanggap doon pero ang naging hadlang lamang ay wala siyang mga dokumento na maipapasa dito. Nanghihinayang siya sa mga oras na makalabas sila. Sayang lang dahil isa sanang pagkakataon 'yon kaso, mayroon pa ding mga bagay na humahadlang sa kaniya upang makakuha ng maayos na trabaho. Pakiramdam niya ay ang malas-malas niya ngunit pinakalma na lamang niya ang sarili at inisip na hindi na naman para sa kaniya ang bagay na iyon. Wala na siya ibang magagawa kun'di tanggapin na lamang iton. Hinawakan na lamabg niya ang kamay ng anak at saka naglakad. Dahil naman sa nakatungo siya at lahatang problemado ay hindi nito napansin ang isang tao at nakabangga ito. Hindi niya mapigilang mataranta nang mga oras na iyon dahil hinfi niya din ito inaasahan. Pero nang lingonin niya ito ay may lalo siyang nagulat sa nakita dahil ang taong ito ay si Aling Martha. Hindi naman makapaniwala si Aling Martha sa kaniyang nakikita at talaga namang napatakip siya ng kaniyang bibig dahil sa nakikita. ‘Totoo ba ito?’ ang tanong niya sa kaniyang sarili at agad na lumapit sa dalawa. Dahil naman sa pagbahagyang pagkagulat at natahimik rin ang mag-ina nang makita ang babae na tumutulog sa kanila. Nakaramdam nama bigla ng pagkahiya si Aling Milda nang magtagpo ang kanilang mga mata, nahihiya siya dahil sobrang dami na nitong naitulong sa kanila at sa tagpong ito’y naabal pa nila ito. “A-Ah pasensya ka na, M-Martha, hindi namin sinasadya,” nauutal na saad ni Aling Milda at kaagad na nilapitan ang ginang at tiningnan kung nasugatan ba ito. “Ano ka ba? Ayos lang ako, Milda. Hindi ko rin kayo agad napansin at hindi ko din inaasahang magkakatagpo tayo dito, kayo ng anak mo,” anito at hinawakan sa balikat ang Ale. “Siya nga pala’t magandang tanghali sainyo at nagagalak akong makita kayong dalawa. Natutuwa ako dahil hindi nga ako nagkamaling bagay sainyo ang mga damit na iyan,” pagpapatuloy pa nito at saka inabot at hinaplos ang buhok ng batang si Jenlie. “Marami pong salamat sa lahat ng itinulong niyo sa amin magpahanggang ngayon, Aling Martha,” pagpapasalamat ni Jenlie sa kabaitan ng ginang. Lumapit sa kaniya si Aling Martha at saka bahagyang yumuko upang mapantayan ito. Ginulo nito ang buhok ng bata at saka pinisil ang pisngi. “Walang anuman, Jenlie! Nakikita ko kasi sa’yo ang anak ko, kun kaya’t hindi ko maiwasang ‘di bumigat ang dibdib ko kapag nakikita kitang umiiyak at nahihirapan. Kung maaari lamang kitang ampunin ay ginawa ko na, pero may sarili kang pamilya at alam kong mahal na mahal na nila,” sagot naman nito sa bata, bago lingunin ang ina nito at ngumiti. Hindi na rin sila nagtagal pa doon ay pumunta sila sa malapit na parke. Bago iyon ay nagtanong pa si Aling Martha kung kumain na ba sila, pero tumango na lamang ang dalawa dahil baka bilhan na naman sila nito ng maraming pagkain at nakakahiya na. Sa isip-isip kasi ni Milda ay hindi na nito masusuklian ang kabutihan ni Aling Martha, ngunit ang pagtulong naman sa kapwa ay walang hinihinging kapalit dahil bunga ito ng pagmamahal mula sa bukas na puso. Nagyon ay nakaupo silang sa silong ng mangga, sa isang mesa at upuang semento doon. Dahil na rin sa hindi na mataas ang sikat ng araw ay dumadami na rin ang mga tao sa paligid at karamihan sa mga ito ay mga batang masayang naghahabulan, nag-i-slide at mga nagswi-swing. Naiinggit naman sa kanila si Jenlie, ngunit ayaw niya lumapit sa mga ito at baka saktan lamang siya. Sa murang edad ay natuto na kasi siyang umiwas sa mga taong alam siya makakasakit lamg sa kaniya at iba pang mga bagay na magdadala ng disgrasya. Magkatabing magkaupo ang mag-ina, samantalang si Aling Martha naman ay nasa kanilang harapan. Doon ay napansin siyang hindi makatingin nang diretso sa kaniya si Aling Milda, kaya minarapat na lamang niyang magtanong. “Patuloy ka pa rin bang mahihiya, Milda? Alam mo, wala iyon. Ako nga dapat ang mahiya sainyo eh, dahil mga pinaglumaang damit na namin ‘yan ng anak ko. Natutuwa lang ako, kasi imbis na itapon ko ay binigay ko na lamang sa inyo at tama nga akong saktong-sakto lang. Sa simpleng paraan ay napansin kong hindi na kayo kinukutya ng mga tao, kaya ipagpatuloy niyo iyan.” pagsisimula nito. “At saka saan pala kayo galing? Mukha kasing nagmamadali kayo eh? Kung may pupuntahan pa kayo ay pasensya na kayo at baka nakakaabala ako,” dagdag pa nito. “Hindi, ayos lamang kami. Maraming-maraming salamat sa mga itinulong mo sa amin, Martha, at hinding-hindi ako magsasawang uulit-ulitin ang pagpapasalamat namin sa’yo ng anak ko.” sagot naman ni Aling Milda. “Sa katunaya niyan ay nagbabakasakali kasi akong makahanap ng trabaho eh, pero alam mo namang hindi ako nakapag-aral kaya walang gustong kumuha sa akin. Sinubukan kong makiusap kanina sa fast food chain ngunit wala naman akong mga dokumento na makipapakita sa kanila. Martha, kung may alam ka namang trabaho ay sabihan mo naman ako, kailangang-kailangan ko lang talaga,” buong tapang na saad muli ng Ale sa ginang na kaharap. Hinawakan naman ni Aling Martha ang mga kamay ni Aling Milda at saka hinimas ang mga ito. “Bilang isang ina din ay alam at ramdam ko kung ako ang kagustuhan mo, Milda. Hanga ako sa’yo dahil napakabuti mong ina. Sa kabila nang hirap ng inyong buhay ay hindi ko nagawang gumawa ng masama at iyon ang gawing hanapbuhay mo pati na ng asawa’t anak mo. Masayang-masaya akong makilala ang isang katulad mo,” naiiyak na sambit ni Aling Martha. “Kung trabaho din lanag ay bakit hindi ka sumama sa akin sa lugar namin, kayo ng pamilya mo. Doon ay mas makakahanap ka ng maayos na matutuluyan niyo at may kilala akong maaari mong pagtrabahuan. ‘Wag kang mag-alala, nandito lang ako at handa akong tumulong lagi sa’yo ng pamilya mo.” ani pa nito at kinukumbinsi si Aling Milda. Sa pagkakataong iyon ay napa-isip si Aling Milda, kapag pumayag siya sa inaalok ni Martha ay mabibigyan mapupunan na niya ang kakulangan sa anak at asawa. Hindi na niya kailangan pang magdalawang-isip pa at magduda sa babae dahil alam naman niyang malinis ang intension nito sa kanila, ngunit kailangan pa niyang sabihin ito sa kaniyang asawa. Nararapat din na makapagdesisyon ang kaniyang asawa dahil ito ang pader de pamilya, pero kahit na gano’n pa man ay kukumbinsihin pa rin niya ito, dahil alam niyang ito ang mas makakabuti. “Napapaiyak na sa labis na katuwaan si Aling Milda nang mga oras na iyon. Nagpapasalamat siya sa Diyos at mayroon siyang binigay na anghel sa lupa na katulad ni Martha, na siyang makakatulong sa kanila. “Hindi ko alam kung paano pa kita mapapasalamatan, Martha, napakabait mo sa amin,” tumutulong ang mga luhan anito sa ginang. “Ngunit sana’y maintindihan mo sanang kailangan ko muna itong sabihin ito sa asawa ko at nawa’y makilala mo rin siya sa mga susunod pang araw. Pagpalain ka pa sana ng Diyos at ng iyong pamilya,” dagdag pa nito habang umiiyak pa rin. “Napakadali lamang ng kondisyon ko upang mapasalamatn mo ako, Milda, iyon ay sana’y maging magkaibigan tayo pati na ang mga anak natin ngayon at hanggang sa pagtanda,” sagot naman ng ginang at mahigpit na niyakap si Aling Milda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD