CHAPTER 5

1160 Words
Jenlie"s POV Ilang araw ang lumipas mula nang makilala namin si Aling Martha at nakauwi na rin sila tatay, ngunit nagbalik din aiya sa kabilang bayan dahil hindi pa tapos ang kanilang trabaho. Sa kasamaang palad naman ay umasa akong makakakain na kami ng masarap na pagkain sa kaniya pagdating pero wala siyang naiuwing pera. Hindi ko alam kung anong dahil pero ang sabi ni nanay at sa susunod na lamang daw niyang pag-uwi. Sa kabila naman niyon ay hindi na muna kami lumipat ng lugar dahil dito kami inuuwian ni tatay. Medyo maayos naman dito at tanging umaga lamang maingay dahil nga sa gilid lamang siya ng daan, tahimik naman sa gabi kaya hindi na kami nagagambala ng aking ina sa pagtulog, maliban na lamang kapag umulan nang malakas. Nitong mga lumipas na araw ay balik ulit kami sa pangangalakal ni nanay sa mga basurahan at maghanap ng mga pwede pang ibenta at kainin. Maswerte na lanag talaga kami kahapon dahil malaki pa ang hiwa ng pritong manok sa isang kainan. Gusto ko kapag umuwi na si tatay at may pera na kami ay bibili din ako ng katulad niyon sa kulay pulang mayabang bubuyog, ang sarap kasi at ang bango ng amoy. Iniisip ko pa lang ay parang kumakalam na naman ang tiyan ko. Pero mabilis lang pala talaga iyong maubos lalo na kapag gutom ka, parang dumaang lang sa dila mo ang lasa? Mas mabuti pa nga ang kendi dahil kailangan mo pang uminom ng tubig nang mabuti ang kulay nito sa iyong bibig, iyon ay mas matagal iyong ubusin. Kahit na gano'n kasaya ang araw ko ay syempre, hindi mawawala ang mga balakid sa buhay. Dahil sa itsura namin ay pinagtatabuyan kami ng bantay doon, nakakawalang gana daw kasi kaming tingnan lalo na sa mga kumakain at mababaho pa. Naliligo naman kami ah, pero tanging itong damit ko lang ang nadudungisan dahil sa pangangalkal namin sa mga basurahan at saka ito kasi ang paborito kong damit kaya lagi ko lang isinusuot. Nakakalungkot nga eh, dahil sa paghila sa akin no'ng bantay na lalaki ay napunit tuloy dito sa may kaliwang suotan niya. Gustuhin ko mang umiyak ngunit mabilis na lamang akong hinila ni nanay palayo at baka saktan pa kami nito, nakakatakot pa naman din ang itsura. Pagkatapos niyon ay pumunta na lamang kami kami sa parke tumingin ng mga naiwan nilang pagkain doon. Sa amin daan ay tinanong ako ni nanay kung may masakit ba sa akin pero sinabi kong wala kahit na mayroon talaga, kasi ang lakas nang pagkahila sa akin no'ng lalaki. Sa oras na iyon ay ayokong mag-alalaga ang ina ko, ang dami na niyang iniisip kaya ayoko ng dagdagan pa ang mga ito. Hirap na nga kaming makahanap ng makakain ay, iniiwasan kong bigyan pa siya ng bagay na pag-aalalahanan. Binilisan na namin ang paglalakad at baka maunahan kami ng iba doon, dahil naman sa malapit lang ito ay mabilis din kaming nakarating. Naglibot-libot kami sa lugar na para bang kami ay namamasyal pero parang gano'n na din, kumikilos nga lang din ang aming paningin upang makakita ng tirang pagkain. Hindi nagtagal ay nakakita kami ng isang puting supot na may mga lamang matatamis na tinapay, dahil may budbud itong asukal. Pero kahit na gano'n ay dumadating talaga ang mga araw na sinusundan ka ng kamalasan. Imbis na mapunta sa akin iyon ay mabilis na hinablot ng isa ding madungis na lalaki at tumakbo nang napakabilis. Kaysa sumama ang aming loob ay sinabi sa akin ni nanay na baka mas kailangan niya iyon kaya nito kinuha. Dahil doon ay inisip ko na lamang din na hindi lang kami ang taong nagugutom dito sa mundo at marami pang iba. Dahil sa nangyari ay nagpasya na lang kami ni nanay na bumalik na lamang sa lugar kung nasaan ang kariton namin. Ngayong gabi ay wala kaming ibang ipapaloob kun'di tubig dahil bigo naman kami sa pangangalkal at paghahanap sa parke. "Pagod ka na ba, 'nak?" tanong sa akin ni nanay at hinawakan ang ulo ko. Tumango lang naman ako sa kaniya nang dalawang beses bilang sagot. "At gutom," pagpapatuloy ko pa. Sa sinabi kong iyon ay bigla siyang napahinto sa paglalakad. Yumukod siya upang pumanta sa akin pero nagulat ako dahil malungkot na malungkot ang kaniyang ekspresyon. Napapansin ko lang nitong mga nagdaang araw ay lagi ko siyang nakikitang umiiyak katulad noong unang araw na wala si tatay at wala talaga kaming makain. Nami-miss na niya kaya si tatay kaya siya umiiyak? Doon ay hinawakan ko naman ang kaniyang mga pisngi at ngumiti upang mapawi ang lahat ng kaniyang pag-aalala. Nandito naman ako habang wala pa ang aking ama at mahal na mahal ko sila. Niyakap ko na lang din siya upang iparamdam sa kaniya na ayos lang ang lahat at hindi na dapat siya nag-aalala. "Hayaan ko, anak, gagawan ko 'yan ng paraan mamaya. Hintayin mo ako mamaya sa kariton natin at 'wag na 'wag kang lalabas at hintayin mo lang ako doon," aniya habang hinahagod ang aking likod. Hindi na nagtagal ay bumalik na kami sa aming kariton dahil medyo nagdidilim na rin. Sa mga oras na iyon ay susunod ko na sana ang utos sa akin ni nanay pero napansin kong may ilang mga supot ng pagkain sa loob ng aming kariton. Hindi ko alam pero pakiramdam ko'y gustong kumawala ng puso ko sa labis na kasiyahan dahil napakalakas nang pagkabog nito sa aking dibdib. "'Nay," pagtawag ko sa kaniya, habang hawak-hawak ang isang supot na may papel na may sulat. Kitang-kita ko kung paano siya nagulat sa kaniyang nakita, pero nandoon pa rin sa kaniyang mga mata at ngiti ang kagalakan. Mabilis siyang lumapit sa akin at kinuha ang supot. Tiningnan niya ito at gano'n na lamang siya napangiti nang malaking-malaki. "Anak, galing ito kay Milda, iyong babaeng tumulong sa atin noong nakaraan?" sabi sa akin ni nanay habang nakangiti pa rin. "Tagala po?" excited ko namang sagot sa kaniya, na siyang tinanguan nito. " Napakabait naman niya," dagdag ko pa at saka bumalik sa kariton upang ipakita pa ang ibang supot. Gulat na gulat pa rin si nanay sa kaniyang mga nakikita at ako rin dahil hindi naman namin ito inaasahan. Sa pamamagitan nito ay hindi na kami iinon lang ng tubig at hindi na rin kailangan ni nanay na umalis mamaya. Hulog talaga ng langit ang babaeng iyon sa amin. Hindi ko alam kung anong sinabi niya pero masayang-masaya ako sa dahil binigyan niya kami ng makakain at hindi lamang ito ngayong gabi dahil napakarami nito. Sa tingin ko naman ay aabot ang lahat ng pagkain nang isang linggo para sa amin at nawa'y makita din namin siya upang makapagpasalamat sa kaniya. "Tama ka, Jenlie, anak... Napakabait niya sa atin lalo na sa'yo," ani nanay at niyakap ako. "Sana'y maging mabait din tayo sa kaniya at matulungan din siya kahit ganito pa man tayo," dagdag pa niya saka binigyan ng isang matamis na halik ang ulo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD