Third Person's Point of View KAHIT hindi pa nakakabawi sa tulog si Maribelle ay minabuti niyang mag-ayos ng sarili. She wore white terno high-waist shorts with a crop top and white shoes. Maya-maya lang ay aalis na sila. Gaya nang napag-usapan, tyaka sila magsisimulang maggala kapag dumating na ang bunsong anak ni Tita Haidee. Sa Tagaytay ang una nilang destinasyon. Hindi alam ng mga ito na madaling araw na sila dumating ni Noah maliban kay Manang Rosie na kakwentuhan niya ngayon. “Bakit kasi isa siyang seminarista? Hindi sana ganoon kahirap itago ang nararamdaman kong ito.” Nagmumukmok niyang sabi. Nasa garden sila ni Manang. Nagpapahangin habang hinihintay ang mga kasamahan na bumaba para makaalis na sila. “Hindi kasi lahat ng bagay na gugustuh

