Third Person's Point of View ISANG backpack lang ang dala niya. Maaga siyang gumising dahil maaga silang aalis papuntang Quezon City. Dadaanan pa nila si Mikee sa bahay nito para deretso na sila sa byahe. Tahimik na naghihintay si Noah sa living room. Batid niyang nagtatampo pa rin ito dahil sa nangyare kagabi. Kasalanan iyon ni Bram. Wala kasing preno ang bunganga nito. Speaking of Bram, kanina pa `yon nakaalis. “Let’s go,” tumayo si Noah nang nakita siya. Kinuha nito ang backpack na dala niya tyaka tuluyang sumakay sa kotse nito. Nakapagpaalam na sila sa mga magulang nila kanina. Bumalik lang ang mga ito sa pagtulog. Bumalot ang nakakailang na katahimikan sa kanilang dalawa habang tinatahak nila ang daan papunta sa bahay ni Mikee. Palihim niya i

