Third Person's Point of View ILANG oras na siyang naghihintay sa labas ng Emergency Room ng ospital na pinagdalhan kay Noah. Tinatanggal ang balang bumaon sa katawan nito. Nanginginig ang buo niyang katawan kaya minabuti niyang maupo sa waiting area. Laking pasasalamat niya rin dahil hindi siya iniwan ng ilang staffs sa Treasure Mountain. Sinamahan siya ng mga ito at hindi pinabayaan. Dinalhan na rin siya ng pagkain ng mga ito dahil kanina ay namumutla na rin siya. Dinukot niya ang phone sa bulsa ng kanyang bag. Mabilis niyang na-dial ang cellphone number ni Mikee. “Mikee…” Hindi niya naitago ang kanyang paghikbi. “Why are you crying? What happened?” Nag-aalala ang boses nito. Lalo lamang tumulo ang kanyang luha. Hindi niya alam ku

