‘Member’ XIA Hindi ko alam kung anong nangyari kagabi. Nagising nalang ako na magaan na ang pakiramdam ko. Nakatitig ako sa mga studyante ng Card High na kasa-kasama ang mga clan nila. Bawat clan ay may nakalaang printed logo ng t-shirt nila. I find it lame pero hindi nalang ako nagsalita. Wala akong clan kaya plain black t-shirt lang ang sinuot ko. Pinony-tail ko ang buhok ko nang may nagtanggal ng pagkakapony-tail nito. “What the—?!” Paglingon ko, si Ion kaagad ang nakita ko. “Exposing your nape, is also a major no-no.” Sumimangot lang ako sa kanya. Nakita kong masama ang titig sa akin ni Venice. Nilingon siya ni Ion kaya yumuko siya kaagad. “Venice, looking at Xia like that is a major sin.” Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Ion. Pinagsasabi nito? Nakita kong lumapit

