‘Devil Couple’ XIA “Xia! Pinapatawag ka ng Dean!” “Hoy! Bruha!” Parang nagising ‘yung diwa ko nung mahina akong sinampal ni Star. Tiningnan ko lang siya ng masama. “Ano bang nangyari sa ‘yo? Tulala ka ah!” Tumikhim nalang ako at inayos ang pagkakaupo ako at tumingin sa kanya. “Hmm? May sinabi ka ba kanina?” Painosente kong tanong. “Oo! Pinapatawag ka ng Dean! Geez! You looked like a traumatized kid earlier.” Tinapik niya ang balikat ko at umalis na. Kinamot ko nalang ang batok ko at tumayo. Naglalakad ako papunta sa Dean’s office nang may humarang sa akin. As usual, ano pa bang ginagawa ng mga tao dito kundi harangan ako. Nababagot kong tiningnan si Z na nakatingin sa akin. “Bakit hindi mo ako pinapansin?” Maangas niyang tanong. Tumaas lang ang kilay ko sa sinabi n

