‘One hour’ Umiiyak na tumakbo si Vinna palabas ng kwarto nila. Hindi pa siya nakakalaayo ay may humila ng kamay niya dahilan para mapahinto siya. Tiningnan niya kung sino ito. Agad siyang napaatras. “S-Stewart—“ “Don’t fuckin call me ‘Stewart’.” Nanginig si Vinna dahil sa tuno ng boses ni Art. Mahigpit ang hawak nito sa braso niya. Nakikita niya ang masamang aura ni Art. Natakot siya kaagad dito. “N-Narinig mo?” Tanong ni Vinna. Sinisiguro niya lang na tama ang nabasa niya sa mukha ni Art. Na narinig nito ang pag-uusap o mas matatawag na pagtatalo nilang dalawa ni Xia. Hindi sumagot si Art. Nagtiim-bagang ito kaya nakumpirma ni Vinna na narinig nga niya. “A-Art..” “’Hindi ka na maaalala ni Art?!’” Inis na pag-gaya ni Art sa animo’y sinabi ni Vinna kay Xia. Napayuko nalang s

