‘Jean’ Naka-upo si Z sa isang upuan sa gitna ng isang malaking stadium. Pilit niyang kinakalas ang tali sa kamay niya pero maayos at mahigpit ang pagkakatali nito kaya hindi niya ito basta-bastang natatanggal. Napapikit kaagad si Z dahil sa biglaang bumukas ang ilaw ng stadium. Nakita niya kaagad na nagsilabasan ang mga myembro ng Joker Clan. Agad siyang napalunok nung nakita niya si Ion na nakapamulsa habang naglalakad papunta sa kanya. The second door opened and the Chi-Mafia was in sight. Napalunok na naman si Z nang makita si Xie na walang emosyong nakatingin sa kanya. Tumingin-tingin siya sa paligid baka sakaling may kakampi siya. But he was wrong. “The fish is caught.” Mahinang sabi ni Warren nang makalapit siya kay Z at inangat ang ulo nito habang hawak ang buhok ni Z. Nap

