••• C h a p t e r [ 40 ] Tiffany Alonzo Suarez Isang nakakasilaw na liwanag mula sa bintana ang sumalubong sa mga mata ko nang imulat ko ito. Mabilis akong bumangon sa kama at inikot ko ang tingin ko sa buong silid. Isa lang itong maliit na kwarto at ako lang ang narito. Nakita ko na bukas ang pinto. Agad akong tumayo sa pagkakaupo pero napaupo rin ako agad dahil sa sakit ng ulo ko. “s**t! My head hurts!” bulong ko sa sarili ko. Ipinikit ko muli ang mata ko at sinusob muli ang ulo ko sa unan. Sobrang kirot ng ulo ko. Ang sarap iuntog sa pader. “What the hell did I just do last night? Darn it, Tiffany! Ang sakit-sakit ng ulo mo!” Hindi ko muna pinilit alalahanin lahat dahil mas lalong tino-torture ang ulo ko. Habang sinabunutan ko ang buhok ko ay bigla ako nakarinig ng yapak ng pa

