••• C h a p t e r [ 32.2 ] Tiffany Alonzo Suarez NAKAUWI kami at nakangiti kaming sinalubong ni Yvette. Pababa siya ng hagdan. She’s wearing leggings and a sports bra na kulay itim. Kitang-kita ang kurba ng katawan niya. And yes, she’s damn hot and sexy. Matambok ang dibdib. Matambok ang pwet. Coca-cola shape body. She’s better than me in terms of beauty pero ano naman? Sexy din naman ako. Hindi lang ako nagsusuot ng ganyang kahipit na damit. Like duh, sobrang daming lalaki sa bahay na ‘to tapos magsusuot ka ng ganyan? I stared at her. Halatang kakatapos niya lang mag work out dahil nakasabit pa ang puting tuwalya sa braso niya. Nakaayos at nakatali rin ang mahaba at blonde niyang buhok. Lumapit siya sa amin at tumaas ang kilay ko nang yakapin niya si Klaus. Agad ko namang inayos ang m

