••• C h a p t e r [ 53 ] Tiffany Alonozo Suarez Nagtungo ako sa opisina ni Klaus matapos kong maligo. Kumatok ako sa pintuan pero walang sumagot. Hindi rin naka-lock ang door knob kaya kusa na lang ako pumasok. Pinapunta niya naman ako rito eh, kaya wala siyang karapatan magalit kung pumasok ako sa opisina niya nang walang paalam. Hindi ko alam kung ano ang dapat naming pag-usapan pero tungkol daw ito kay Cammari. Ano kaya ang bagay na ‘yon? May kailangan ba akong malaman? Dapat nga hindi na namin pinag-uusapan ang babaeng ‘yon. Siya ang nagtraydor sa amin. Siya ang nanakit sa anak ko. Nang makapasok ako sa loob ay inikot ko ang mata ko para hanapin siya kaso ni anino niya ay wala rito. Sa isip-isip ko ay baka nasa kwarto pa siya at nag-aayos. Hihintayin ko na lang siya rito. N

