Valeen's POV "Couz!" nakangiting sigaw ni Kylie at mabilis na lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Hi, Chef Valeen!" nakangising biro ni Vince at bumeso din sa akin. Halos hindi ako nakagalaw nang mahagip ng mata ko si Dave! Hindi ako makapaniwalang inisip ko pa ang mga sinabi nila bago ko tuluyang ma-digest sa utak. s**t, Valeen! Ayusin mo sarili mo! Pilit na tumikhim ako kahit halos mahimatay ako sa titig ni Dave! "O-Oh! Ang aga niyo! Akala ko mamaya pa kayo! Saglit lang, tatawagin ko muna si Inay. Ma-Maliligo na rin muna ako." sabi ko. Halos mabilaukan ako sa pagtatangka kong magsalita! Paano nga ay halos isang dipa lang ang layo ni Dave sa akin at amoy na amoy ko ang pabango niya! Hindi ko alam kung talagang hindi lang ganun katapang ang mga pabango nina Kylie at Vince kaya

