Valeen's POV Kinaumagahan ay nakita kong maagang umalis ng bahay si Vince. Nagkasalubong ang titig namin pero nag-iwas agad siya ng tingin. Tumuloy na ako sa kusina para magluto. Naghuhugas na ako ng kamay nang biglang may magtakip ng aking mga mata. Amoy niya pa lang ay kilalang kilala ko na. Napangiti ako. "Guess who?" tanong pa nito. Tss! Agad na lumingon ako sa'kanya at nagulat nang salubungin nya ng halik ang labi ko sabay tanggal ng kamay sa aking mga mata. Nakangiti siya sa akin. Sinimangutan ko siya at hinawi para makalapit sa refrigerator. Agad naman siyang bumuntot sa akin. "Tell me, hindi mo ako nakilala, 'no?" sabi pa nito. Umikot ang mga mata ko. "Nakilala syempre! Wala namang ibang mahilig magnakaw ng halik dito kundi ikaw." sabi ko at naglabas ng ilang itlog para sa gaga

