Chapter 15: Asawa mo ako Nagising ako ng may naramdaman akong malambot na bagay na dumadampi sa aking labi. Napamulat ako at nanlalaking mata ko ng makitang gising na si Kai. Parehas kaming nakahiga sa kama niya sa ospital, umayos ako at tumayo. Hindi niya inaalis ang tingin sa akin. "You're here baby. You're really here." paos na boses niya. Nangilid ang luha sa aking mata, "Pinag-alala mo ako Kai." Hinuli niya ang aking kamay at dinala iyon sa kaniyang labi. "I'm sorry for being a jerk, sorry kung hindi ako naging perfect husband," bulong niya. Hindi ako nagsalita, ayos na sa akin ang lagay niya mapapanatag na ako. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa buong lugar. Kumunot ang noo niya tapos ay parang nagulat siya nang maalala ang nangyari. "Natatandaan mo ba ang nangyari Kai

