Chapter 6: I'm starting to regret this Sabi nga nila sa pagsasama, hindi lang puro saya, na puro pagmamahalan at napatunayan ko iyon. Lumipas ang dalawang linggo, katulad noong unang araw ay lagi akong hinahatid ng aking asawa sa munisipyo. Kung minsan ay sinusundo niya ako minsan naman ay hindi. "Dawn!" Mariin akong napapikit bago bumaling kay Damond na nasa labas na naman ng munisipyo. Sa mga araw na nagdaan ay laging nandito si Damond, hindi naman araw-araw pero mga apat na beses sa isang linggo kung magawi siya rito. Ilang beses ko na rin siyang sinabihan na huwag na siyang pumunta pero hindi siya tumitigil. Nagsisimula na akong mairita dahil ng ibang tao ay napapansin na din ang pagpunta-punta niya at ayaw kong may masabi sila. "Dawn wait!" habol niya sa akin ng magtuloy-tuloy

