Halos isang linggo ako sa hospital. Ngunit walang Jeff ang bumalik. Simula nang umalis ito roon ay hindi na nagpakabalik-balik ang lalaki. Kaya naman sobrang sakit ng puso ko. Si Manang Nelly ang lagi kong kasama. Ito rin ang nag-aasikaso sa akin. Tinatanong ko naman ito tungkol kay Jeff pero ang laging sabi nito ay busy lang daw ang aking asawa kaya hindi nakakapunta rito sa hospital. At ngayon nga ang araw na paglabas ko. Pero kahit anino ng aking asawa ay wala akong nakita para sunduin man lang ako rito sa hospital. Nakarating kami sa bahay ng matiwasay. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob. Pero wala akong nakitang bulto ni Jeff. Kaya sa kwarto na ako tumuloy para magpahinga. Papahiga na sana ako nang bumukas ang pinto at pumasok ang asawa ko. Pansin ko'y parang may nagbago rito. Wal

