Agad naman kaming pinapasok ng guard. Sinabi nitong pumuntahan na lang namin ang Mayordoma. s**t! Dahil habang papalapit kami sa malaking bahay ay lalong tinatambol ang dibdib ko. Mayamaya pa'y natanaw namin si Manang nakangiting kumaway ito kay lola Asyang. Nakita kong sasalubungin kami nito. "Akala ko'y hindi ka na darating Asyang? Kanina pa kita hinihintay," saad ni Manang. Ngunit bigla itong bumaling sa aking gawi. "Siya ba apo mo?" tanong ng Mayordoma kay lola Asyang. "Oo siya si Tina," saad ni lola Asyang. At pagpapakilala nito akin kay Manang. "Kinagagalak kitang makilala hija," saad ni Manang. Peste! Dahil hindi ko alam kung magsasalita ba ako? Oh, tatango na lamang ako sa matanda. "Naku! Pagpasensiyahan mo na si Tina. Hindi kasi siya makapagsalita," biglang singit ni lola A

