Nakatitig lamang ako sa mukha ng binata tila na lunok ko ang aking dila ng mga oras na ito. Ilang beses rin akong napalunok ng laway dahil hindi ko alam kung ano ang aking sasabibin dito. Kung papaano ko sisimulan ang aking paliwanag. Nakatitig lamag ako sa mata nito. Ganoon din naman siya sa akin. "Bettina, ano ang iyong kailangan at napasugod ka rito sa aking bahay?" tanong niya sa akin. "P-Puwede ba tayong mag-usap, Jeff?" nag-aalangan na tanong ko rito. "Nag-uusap na tayo 'di ba? Magsalita ka na dahil mayroon pa akong gagawin," masungit na wika sa akin ng binata. "Jeff, totoo ba iyong sinabi mo sa akin kanina na mahal mo ako?" tanong ko sa lalaki. Matagal akong tinitigan nito. Tila may binabasa sa aking mukha na 'di ko mawari kung ano iyon. "Yes," bahagyang sagot nito sa akin.

