MAXIMUS ISANG tawag mula isang miyembro ng Alteza ang natanggap ko. Tiwalag na si Gregory ngunit nananatili ang koneksyon niya sa amin. May balita ito tungkol sa nangyayari problema sa Greece kung saan ito nakabase. Hindi ko kayang hindian ang dating miyembro ng alteza na kaibigan kor rin, kaya mula sa lugar na pinuntahan namin ni Kade at dumiretso kami sa airport. “Max, malapit na ang kasal mo. Hindi yata tamang ikaw pa ang pumunta sa Greece.” untag ni Kade ng halos malapit na kami sa airport. Alam ko ang pangamba ni Kade. Hindi biro ang mga taong nakakaharap namin once na ginagampanan na namin ang tungkulin bilang isang alteza. “Maayos naman ang lahat. Nothing to worry Kade. Kakausapin ko lang si Greg tapos iba na ang gagawa ng trabaho.” tugon ko sa lalaki saktong hinto namin sa air

