Kabanata 27

2999 Words

Anabella Pagdating sa bahay niya ay ipinarada niya ang motor, saka nauna sa loob. Naiwan tuloy ako labas na nakasunod lang ng tingin sa lalaki. Sunod kong narinig ang bulungan ng mga trabahador niya na napailing-iling pa habang nakamasid sa pinasukang pinto ni Evan. Napailing na lang din ako bago sumunod papasok. Sa sala ay naabutan ko ang lalaki kasama ang mga kapatid niyang lalaki. Nagkukuwentuhan ang mga ito nang matigilan pagpasok ko. Inignora ko ang mga tingin ng mga ito at nagdiretso sa itaas. Nagbihis ako ng t-shirt at sweatpants bago bumaba para maghanda ng hapunan. Naabutan ko ang mga ito na umiinom na ng beer sa sala habang tuloy ang kuwentuhan. Napasulyap pa sa akin si Evan habang itinatali ko papusod ang buhok. Ibinalik din nito ang atensiyon sa dalawa niyang kapatid na hi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD