Anabella Habang palapit nang palapit ang katapusan ng trabaho ko, mas lalong nagiging taranta si Evan. Tipong magising lang na wala ako sa tabi niya o hindi lang ako makita sa kahit na saang parte ng bahay niya ay parang baliw nang isisigaw ang pangalan ko at ipahahanap ako. Ewan ko lang kung napano iyon. Umaga niyon nang maisipan ko na tumambay muna sa likod ng bahay para makapag-choco coffee nang tahimik. Pero ang ulaga, nataranta na naman. “Anabella!” malakas nitong tawag sa pangalan ko na para bang may kasalanan ako. Hindi ako sumagot at tahimik lang na sumimsim ng iniinom. Praning na ang lalaki. Ewan ko kung napano iyon. Nang marinig ko ang pagbukas ng backdoor ay saka ko lang ito nilingon at kinunotan ng noo. “Oh? Napano ka?” taas-kilay kong tanong sa lalaki na salubong ang ki

