"Gusto mo ba?" DiyosKopo! Kakatapos lang kanina gusto na naman. "Gusto mo ba kako neto? Fudgee barr?" Inaalok pala niya ako ng fudgee barr. "Ahhh e busog ako eh. Salamat nalang" sabi ko sakanya. "Akala mo kung ano no?" Biglang ngumisi saken. Ang cute niya lalo pag ngumingiti. Ang linis kasi ng gupit kaya kitang kita mo ung hitsura niya. Gwapo talaga at hindi nadaan sa magandang buhok. "Bakit ba?" Medyo painis kong sabi. "Magpapaturo sana ako sayo. Sa math. Engineering student ka diba?mas magaling ka sa math. Paturo." Pagpapa cute niya. Nakakaasar. Ang cute niya kasi talaga. "Ahhh sige. Wala na ko klase pag tues at thurs ng 3PM" sabi ko sakanya. Hindi talaga ako makatingin ng diretso sakanya. "Thursday bukas, so pwede bukas na? Wala naman ako klase eh." Sabi niya. At ngumingiti

