Ano ba ako kay Marine? Yung tipong andiyan lang pag kailangan niya? Pag di niya ako kailangan isasantabi niya ako? Nakakaasar. Naiinis ako. Kung si Bryan na lang sana ang binibigyan ko ng ganitong atensyon! Back to school na at enrolment na uli. Si Bryan pa din yung tao sa enrolan kaya di na kami pumila at enrolled na agad. Di ko pinapansin yung ginagawa ni Bryan dahil si Marine ang gusto ko pero ngayon binabalewala naman ni Marine nararamdaman ko. Tapos na kami mag enroll at nagkwentuhan naman kaming tatlo nila anna at jenn. Pumunta kami sa canteen at bumili ng chichiriya. "OMG pat seryoso? Si Bryan nililigawan ka?" Sabi ni anna na gulat na gulat. Tumingin ako kay jenn ng masama. Bakit kailangan sabihin ni jenn. "Wag ka magalit kay jenn. Si Bryan nagsabi saken" habol ni anna "N

