Twenty Eight

1497 Words

             Mas lalo atang lumakas yung nabubulok na amoy sa kusina dahil umabot na ito hanggang dito sa sala. Tumayo ako para hanapin ang amoy na yun. Mukhang hindi pa rin tinatapon ni Angela ang bagay na iyun kung ano man iyun.              Napatakip ako ng ilong ng makapasok sa kusina. "Ano yang niluluto mo? Bakit ang baho??" angal ko ng malamang mula iyun sa niluluto ni Angela.              Nataranta ito. Pinatay nito ang stove saka tumingin sa akin. "G-ginigisa ko lang po yung bawang at sibuyas." anito.              Tiningnan ko ang laman ng kawa. Kahit anong takip ko ng ilong ko ay naamoy ko pa rin talaga ito. Ang weird. Bawang at sibuyas nga lang yung ginigisa niya pero ang baho sa pangamoy ko. Parang maduduwal na naman ako.              "Wala ka bang ibang nilagay?"          

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD