Hinatid ko si Acey palabas ng bahay. Masyado kaming nag-enjoy sa pag-uusap, hindi na namin napansin ang oras. Nagpaalam na si Luke kanina na aalis. May usapan daw sila ng mga kaibigan niya na lalabas. Kaarawan daw ng isa sa kanila. Acey confirmed it. Nagpaalam din raw kanina si Brandon sa kanya. "Are you sure you're okey? Wala pa si Brandon malamang sa bahay niyo." wika ko. "Summer's waiting for me so I need to go. Basta, if anything happens, just call me." I smiled. "Hindi ko alam na sideline mo na palang magpagaan ng loob ng isang tao." Inirapan niya ako. "You're still Tita Tyra's daughter. I owe her a lot kaya naman pinangako ko sa kanya na aalagaan kita. Alam naman natin kung gaano ka kaiyakin." "Excuse

