Paggising ko ay wala na si Luke sa tabi ko. Hindi ko maiwasang kabahan. Kahit na mahal ko siya at ilang beses na niyang pinadama kung gaano niya ako kamahal, hindi pa rin buo ang tiwala ko sa kanya. Nagbui-build up pa lang iyun. I know ganun rin siya sa akin. Ganun naman talaga ang relasyon diba? Hindi naman agad-agad kang magtitiwala sa taong nasa tabi mo, pinagtitibay iyun ng panahon. Bumaba ako sa kama saka lumabas ng kwarto. Hinanap ko si Luke pero wala siya sa loob ng bahay. I went outside. Mas lalo akong kinabahan. Wala si Luke. Nasa harapan pa rin naman ang kotseng sinakyan namin papunta rito pero wala siya. Where the hell did he go? Nilibot ko ang paligid. Naisip kong baka nasa likod bahay siya, at hindi nga ako nagkamali. May kasama siyang

