"May gusto kang kainin?" tanong ko rito matapos kong maayos ang mga gamit ko. "I'm fine. Baka maabala pa kita." "Tsk. Okey lang. Ayaw mo namang tanggapin yung bayad ko sayo kaya pakakainin na lang kita. Gutom na rin naman ako kaya bibili lang ako ng maluluto sa baba. Ano bang gusto mong kainin?" "Magluluto ka?" "Hindi... Hindi... Magbe-bake ako, magbe-bake. Tss. Bilis na, Mamang pulis. Gutom na ako." "Hmmm... Kumakain naman ako ng kahit ano." "How about beef steak? Pancit cantoon? Fried chick--" "Pancit cantoon!! Yun na lang para naman hindi ka masyadong mahirapan magluto." I smiled. "I don't eat instants, Mamang pulis kung yan ang iniisip mo. They're not good for my

