Halos pagabi na rin at nag-aagaw na ang liwanag at dilim ng makauwi si Diesel sa bahay nila. Simisipol pa siya at halata mong may masayang pangyayari sa nagdaang maghapon. Tumuloy muna siya ng kusina. Nandoon pa lang siya sa bungad ng pintuan at wala pang nakakapansin sa kanya, at doon niya naabutan si Manang Fe na katulong si Dimitri sa pagluluto. Habang si Liza ay nanonood sa mga ito. Nakita pa niya ang, mukha ni Liza na mukhang bored na bored na nakatingin kay Dimitri. Napatawa pa siya sa nakikita. Mukhang magandang tanawin iyon, pero hindi muna niya papangalanan. Nakangiti pang pumasok si Diesel sa kusina. At makikita sa kanyang mukha na sobrang saya talaga niya ngayon. "Magandang gabi, Manang Fe, Liza, at Sandoval." Masayang wika ni Diesel na ikinangisi ni Dimitri. "Aba nga nama

