Chapter 49 Pandora’s PoV Ako nga pala si Alice, 28 years old, isang stripper sa pinakasikat na strip dance club sa Quezon City. Pero nang nakita at napanood ako ni Boss Mateo, nag offer siya sa akin na doon na lang sa Golden Bird ako gumiling. Syempre, kahit ganito ang trabaho ko ay may prinsipyo naman ako at sense of loyalty kaya nahirapan siya na piratahin ako sa nightclub niya. Puro kasi lalaki ang stripper niya. Kaya gusto ni Boss Mateo na mag-recruit ng babaeng stripper. Nang sa Makati na ako kinailangan na tumira, malapit lang ang Golden Bird sa apartment na inuupahan ko. Kaya isang gabi ay naisipan kong puntahan ang Golden Bird. HIndi naman ako nagsisi dahil hindi ko akalain na sa nightclub ko rin pala matatagpuan ang lalaking magpapatibok ng puso ko at magpapakibot ng kiffy ko.

