Chapter 47 Lance’s PoV Nakita ko si Valentino na nakatayo sa gate nila Fiona. Kaya lumabas na ako ng kotse at nilapitan siya. “Yow ‘cuz. Anong ginagawa mo rito?” tanong ko, hoping that he will face me. Alam ko naman na galit siya sa akin dahil sa gulo ng pamilya namin. Pero wala naman akong kinalaman do’n. Kaya sana huwag niya akong idamay sa galit niya sa dad ko. Kaso wala eh, galit siya talaga. I understand him naman. What happened to his family is not a joke. “Hinihintay si Mariz.” Hindi ko inaasahan na sasagutin niya ako. Hindi niya kasi ako pinapansin. “Hinihintay ko rin si Luna. Sabay na tayo pumasok,” yaya ko kay Valentino. Madali lang kami nakapasok kasi kasambahay lang naman nila Fiona ang nasa bahay at naka uniform kami ni Valentino. At ehem, mukha naman akong harmle

