Chapter 27 Mariz' PoV GOLDEN EGGS! ANAKAN MO 'KO! Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko kung bakit ko nasabi ang bagay na ‘yon. At isinigaw ko pa talaga ng malakas. Ganoon ako binaliw ni Valentino dahil sa kanyang sensual na pag giling. Nakakahiya talaga, pinagtinginan nila akong lahat. Lalo na ng mga beki. Ang sama ng tingin nila sa akin. Kasalanan ko ba kung masyado akong pinainit ni Valentino. Naka spaghetti sando lang ako at maikli, super ikling shorts. Panloob ko lang kasi ito. Hindi kasi ako papayagan ng guard na pumasok kung naka uniform ako. Mabuti at hindi na rin naman ako minor at pinakita ko ang driver's license ko. Hindi kasi naniniwala 'yung guard na 21 years old na ako. Mukha raw akong bata, maganda, at kaakit-akit. Charizzz lang, walang sinabing gano'n si guard

