Chapter 41 Mariz’s PoV Nanlaki ang mga mata ko nang bumaba ako para makita si tutor. Hindi ako makapaniwala na siya ang kinuha ni Dad bilang tutor. Kainis, kung kailan huling taon ko nasa college saka naman naisipan ni Dad na kuhaan ako ng tutor. Parang bata lang. Pero thank you talaga, Daddy. Tumalon ang puso ko nang makita si tutor. Abot langit ang ngiti ko. Para akong nananaginip. “Good morning po, Miss Mariz,” naka-ngiting bati niya sa akin. Ang ngiti na nag palaglag ng . . . panga ko. Kung may pustiso lang sana ako baka pati ‘yon malaglag din. Napatingin ako kay Mom at Dad, waring nagtatanong kung ‘is true? Or issa prank? “O come here na muna sa dining. Pakainin mo si Valentino,” yaya ni Mom nang pumunta na siya ng kusina para maghanda ng dinner. “Magkakilala ba kayo ni Val

